Nabawi ni Brazilian mixed martial artist Amanda Nunes ang UFC Women’s World Bantamweight Title sa UFC 277 na ginanap sa American Airlines Center sa Dallas, Texas.
Ito ay kasunod ng unanimous decision sa sagupaan nina Nunes at Julianna Pena ng Amerika.
Sa first round ng laban parehong nagpakita ng maingat na pagdepensa ang dalawa kung saan tinamaan ng right hook ni Nunes si Pena.
Sa second round naman, napabagsak muli ni Nunes ang kalaban gamit pa rin ang kanang suntok nito.
Matapos ang ilang palitan ng bigwas, napatumba muli ni nunes si Pena sa third round gamit ang straight left hand nito.
Dahil sa panalo, may record na 22-5 si Nunes habang bumagsak sa 11-5 si Pena.