Nakapagtala ng pinakaunang kaso ng monkeypox virus ang Brazil.
Ito ang kinumpirma ng kanilang health ministry na isang 41- anyos na lalaki na may travel history sa Spain at Portugal ang nagpositibo sa sakit.
Sa ngayon, nasa ospital at nasa mabuting kalagayan na ito.
Patuloy din na binabantayan ng health officials ang close contacts ng naturang indibidwal.
Ang monkeypox virus ay isang rare disease na kumakalat sa Western at Central Africa.
Kabilang sa mga sintomas nito ang pagkakaroon ng rashes, lagnat, pananakit ng katawan at iba pa.