Inakusahan ng Crime Against Humanity sa International Criminal Court (ICC) si Brazilian president Jair Bolsonaro, matapos ang naging partisipasyon nito sa deforestation sa Amazon rainforest.
Nabatid na naghain ng reklamo sa korte ng Dutch City ang grupong AllRise kung saan, kanilang hiniling na magkaroon ng legal proceedings laban sa pangulo at sa kaniyang administrasyon matapos ang naging negatibong epekto ng climate change sa buong mundo.
Base sa naging reklamo, si Bolsonaro ay naglulunsad umano ng malawakang kampaniya na nagresulta sa pagpatay sa mga environmental defenders.
Bukod pa dito, nalagay din umano sa peligro ang global population dahil sa epekto ng deforestation o pagkalbo ng kagubatan.
Sa ngayon, may tatlong iba pang nakabinbing reklamo ang indigenous groups laban kay Bolsonaro.— sa panulat ni Angelica Doctolero