Naka-isolate sa ospital sa Puerto Princesa ang tatlong miyembro ng isang pamilyang Brazilian-Columbian matapos makitaan ng mga sintomas tulad ng trangkaso.
Ayon kay Dr. AudieCipriano, professional medical staff chief ng ospital ng Palawan, ala una kaninang madaling araw nang isagawa ang screening sa mga nabanggit na turista.
Sinabi ni Cipriano, galing ng El Nido ang pamilya at dinala sa Puerto Prinsesa matapos lumabas sa inisyal na check up na may sore throat ang lalaking turista habang ang kanilang 10 taong gulang na anak naman ay nilalagnat.
Nakararanas din ng hirap sa paghinga ang batang tursita.
Agad din aniyang inisolate ang pamilyang Brazilian matapos mapag-alamang nanggaling ang mga ito sa Wuhan City.
Nakatakda naman sumailalim sa swab test ang batang turista kung saan ipadadala sa Research Institute for Tropical Medicines sa Muntinlupa City ang makukuhang sample dito.
Samantala, isa pang 6 na taong gulang na batang Taiwanese ang naka-confine din sa ospital ng Palawan matapos namang makaranas ng mga sintomas ng sakit sa baga.
Sinasabing nakasama ng bata ang ilang mga Chinese national mula Wuhan.