“This chaos has arrived,”
Ito ang pahayag ni Brazilian President Jair Bolsonaro matapos aminin na hindi sapat ang kakayahan ng kanyang pamahalaan para maapula ang sunog sa Amazon Forest.
Wala raw silang sapat na kagamitan para tuluyang maapula ang apoy na kasalukuyang tumutupok sa pinakamalaking tropical rainforest sa mundo.
Ayon kay Bolsonaro, wala umano siyang kapasidad na sabihan ang interior ministry ng bansa na magpadala ng pwersa sa lugar dahil baka hindi lang daw nila ito mamonitor ng maayos.
Paliwanag pa ng presidente, mas malaki pa ang Amazon Forest kaysa sa buong kontinente ng Europa kaya’t hindi nila kayang tuluyang maapula ang sunog.