Mariing itinanggi ni Brazilian President Michel Temer ang alegasyon ng panunuhol umano nito sa mga testigo ukol sa kinasasangkutan umano nitong katiwalian.
Inamin ni Temer na nakipagkita siya kay Joesley Batista na chairman ng Meatpacker JBS S.A. ngunit hindi para suhulan ito.
Binigyang diin ng Pangulo ng Brazil na ang kanyang pakikipag-usap kay Batista ay hindi aniya dahilan para makompromiso ang kilos niya bilang Pangulo.
Batay sa mga ipinaparatang kay Temer, sinuhulan umano nito si Batista para mapakulong si dating House Speaker Eduardo Cunha dahil sa kaso ng kurapsyon, money laundering at tax evasion.
By Ralph Obina