Pinapa-impeach ngayon ang presidente ng Brazil na si Dilma Rousseff sa ginawang botohan sa upper house.
Si Rousseff ang kauna-unahang babaeng presidente ng BRAZIL.
55 sa kabuuang 81 miyembro ng upper house ang bumoto para ma-impeach si Rousseff dahil sa korapsyon.
Nahaharap na ngayon ito sa impeachment trial at suspendido ng 180 araw.
Agad na papalit ang vice president ng Brazil na si Michel Temer kapag tuluyang mapatalsik si Rousseff.
By: Mariboy Ysibido