Patuloy pa rin ang pagpapagaling ni Brazilian Soccer Legend Pele kahit na nakalabas na ito ng ospital.
Ito’y dahil nagpapagamot ang soccer legend mula sa kaniyang sakit na cancer.
Matatandaang nuong December 8 ay dinala si pele sa ospital para sumailalim sa chemotherapy treatment dahil sa kaniyang colon tumor.
Tinanggal ang tumor sa kaniyang kanang colon nuong Setyembre na nadiskubre lamang makaraang magpacheck up ito sa kanyang doktor.
Si Pele ay naging three-time world cup winner na nakilala noong 1958 World Cup habang noong taong 2000 ay pinangalanan siya bilang Player of the Century ng FIFA kasama si Diego Maradona ng Argentina.