Idineklara na nasa category number 4 na si Hurricane Dorian isang araw bago ang inaasahan nitong pagtama sa lupa.
Ayon sa National Hurricane Center ng Estados Unidos, posible nitong tamaan ang buong Florida State at ang hilagang kanlurang bahagi ng Bahamas.
Huling namataan si Hurricane Dorian sa silangang bahagi ng West Palm Beach sa Florida.
Sa kasalukuyan ay nagsasagawa na ng mandatory evacuation sa mga residenteng nakatira malapit sa dalampasigan partikular na sa Meritt Island.
Ayon sa ilang mga eksperto, si Hurricane Dorian ay maaring kilalanin bilang pinakamalakas na bagyong tatama sa Florida matapos ang ginawang pananalasa ni Hurricane Andrew noong taong 1992.