Patay na ang brexit plan ni United Kingdom Prime Minister Theresa May.
Kasunod na rin ito nang naganap na botohan ng mga miyembro ng parliamento kung saan apat na raan at tatlumpu’t dalawa (432) ang kumontra sa Brexit deal na pinaboran ng dalawandaan at dalawa (202).
Ang resulta ng botohan ay itinuturing na isang makasaysayang pagkatalo ng isang British government sa makabagong kasaysayan.
Matapos nito ay isinulong ni opposition leader Jeremy Corbyn ang no confidence vote laban kay May.
Magugunitang isinulong ni May ang pagkalas ng UK sa European Union noong 2016.
Subalit dahil sa pangyayari, nanganganib na mabalewala na ang pagsasabatas ng Brexit plan na isasagawa sa March 29.
—-