Nakatakdang i-downgrade sa negative ng Moody’s ang credit rating ng mga bangko sa United Kingdom.
Ito ay matapos ang tuluyang pagkalas ng Britanya sa European Union matapos ang mahigit 40 taong pagiging miyembro nito.
Dahil dito mula sa stable o positive ay magiging negatibo na ang rating na matatanggap ng Britanya.
Sa pananaw naman ng Fitch at Standard and Poor’s, hindi magandang hakbang ang paghiwalay sa EU ng UK dahil sa tatamaan at tatamaan anila ang ekonomiya ng Britanya sa sitwasyong ito.
By Ralph Obina