Naging pangkalahatang mapayapa ang isinagawang special barangay at SK o Sangguniang Kabataan elections sa lungsod ng Marawi City, kahapon.
Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Spokesman James Jimenez, naging matagumpay at maayos ang ginanap na halalan sa Marawi City.
Nagbukas at nagsara rin aniya sa oras ang lahat ng mga polling precinct sa Marawi City.
Ito ay sa kabila naman ng napaulat na ilang iregularidad at poll related incidents sa ilang mga barangay.
Kabilang dito ang nangyaring suntukan sa pagitan ng magkalabang partido sa barangay Lomidong gayundin sa barangay Tampilong.
Nagkaroon din ng away sa mga tagasuporta ng dalawang magkalabang partido sa barangay Lumbac Madaya na humantong sa pagpapaputok ng warning shots ng pulisya para matigil ang gulo.
Agad namang nakabalik sa normal ang halalan matapos na maaresto ang mga indibiduwal na sangkot gulo.
Samantala, dalawa naman ang naaresto matapos mahuling namimigay ng mga flyers na may nakaipit na pera.
Magugunitang ipinagpaliban ang barangay at SK polls sa lungsod noong Mayo 14 matapos ang limang buwang sagupaan ng mga tropa ng gobyerno at grupong Maute-ISIS.
Voting in Brgy. Sagunsongan in Marawi City, where voters from the barangays in ground zero voted. Volunteers report smooth conduct of the election in the area. #Marawi #BSKE2018 #NAMFREL #BantayNgBayan pic.twitter.com/dwEEOQ47UA
— NAMFREL (@Namfrel) September 22, 2018
As of 6:00 AM today, 23 Sept, all winners have been proclaimed for the 96 Brgys of Marawi City. No untoward incidents have been reported and the COMELEC now considers the #BSKE2018 in Marawi to have been the most peaceful one in the recent history of Marawi City. #ZeroFailures
— James Jimenez (@jabjimenez) September 23, 2018
—-