Sa kabila ng mga panukalang ipagpaliban ang barangay at sangguniang kabataan elections, binigyang diin ni House Speaker Pantaleon Alvarez na tuloy ang halalan sa mayo.
Sa kanyang pahayag sa oath-taking ng mga bagong kasapi ng PDP-LABAN sa Sultan Kudarat, sinabi ni Alvarez na malabo nang ma-postpone ang eleksyon dahil wala itong suporta sa senado.
Magugunitang lumusot na sa huling pagbasa sa kamara ang isinusulong na panukala na naglalayong ilipat ang halalan sa oktubre 2018.