Sinampahan ng kaso ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa Ombudsman ang isang barangay chairman ng Malabon City dahil sa pagkakasangkot sa operasyon ng iligal na droga.
Kinilala ang kinasuhan si Alvin Manialac, chairman ng barangay Tinajeros.
Nahaharap din si Manialac sa kasong falsification by public officer at administrative charges tulad ng gross negligence, gross neglect of duty at maging paglabag sa local government code.
Ayon kay PDEA-NCR Director Ismael Fajardo Jr., si Manialac na isa sa mahigit 200 barangay official na kabilang sa inilabas na narco-list ng PDEA ay bigong tukuyin ang mga drug pushers at users sa kanyang barangay.
(Ulat ni Jill Resontoc)