Huli sa akto ang isang barangay chairman habang naniningil ng P20.00 para sa quarantine pass.
Kinilala ni Brig. General Manuel Abu, Police director ng Bangsamoro autonomous region in Muslim Mindanao Philippine National Police (PNP) ang inarestong barangay chairman na si Cassar Abinal ng Barangay Mantapoli Marantao, Lanao Del Sur.
May nakapaskel pa umanong anunsyo sa barangay hall na P20.00 ang bayad para sa quarantine pass.
Una nang sinabi ng dilg na libreng ipamamahagi ang quarantine pass sa mga residente.