Isinailalim sa lockdown ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang Barangay Padre Zamora sa lungsod.
Sa kanyang ipinalabas na memorndum, sinabi ni Magalong epektibo ang lockdown simula kaninang 1:00 p.m. ng hapon.
Ayon kay Magalong, layunin ng kanyang pasiya ang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga residente sa Barangay gayundin ang pagsunod ng mga ito sa umiiral na patakaran at regulasyon ng enhanced community quarantine (ECQ).
Kasunod na rin aniya ito ng kanyang mga natatanggap na ulat hinggil sa pagsuway ng ilang mga residente ng Barangay Padre Zamora sa umiiral na 24-hour general curfew at mandatory na pagsusuot ng mask kapag nasa pampublikong lugar.
Dagdag ng alkalde, suspendido na rin ang paggamit ng home quarantine pass ng mga taga-Padre Zamora kaya maaari na lamang mamili ang residente sa mga itinalagang satellite market at rolling stores.