Inatasan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga Barangay Health Emergency Response team para tutukan ang mga magse-self quarantine na mga pinoy na uuwi sa Pilipinas mula sa China, Hong Kong at Macau.
Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, dapat ay magkaroon ng inisyatibo ang mga uuwing pinoy at ideklara ang kanilang sarili sa kanilang mga barangay para ma-monitor sila ng mga health worker.
Kasabay nito, ipinabatid din ni Año na handa rin ang Philippine National Police na tumulong sa mga barangay officials para isagawa ang kaukulang aksyon.