Target ng Commission on Elections o COMELEC na idaos ang barangay at Sangguniang Kabataan election sa Marawi City sa Lanao del Sur sa Setyembre.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, hinihintay na lamang na aprubahan ng Comelec En Banc ang rekomendasyon na makapagdaos ng halalan sa naturang lungsod.
Sinabi ni Jimenez na isinailalim na nila sa pagsusuri ang lugar at nasa “stable” na kondisyon na ang mga ito.
Matatandaang ipinagpaliban ng COMELEC ang eleksyon sa Marawi City dahil sa banta ng seguridad bunsod ng nangyaring gyera sa pagitan ng Maute – ISIS group at tropa ng pamahalaan.
Batay sa datos ng COMELEC, aabot sa mahigit 600 botante ang rehistrado sa Lanao del Sur.
—-