Tuloy-tuloy ang paghahandang ginagawa ng Department of Interior and Local Government o DILG para sa barangay elections sa Mayo ng taong ito.
Ayon kay DILG Undersecretary Martin Diño, nakikipag-ugnayan na sila sa Commission on Elections o COMELEC upang matiyak ang maayos at mapayapang eleksyon sa Mayo.
Ito ay sa kabila ng mga panukalang batas na ipagpalibang muli ang barangay elections.
“‘Yun ang mandato namin kaya’t ‘yan ang aming gagawin meron lang kaming mga paalala tapos ‘yung mga schedule natin sa COMELEC, ngayon nga ay massive ang ating campaign.” Ani Diño
Ayon kay Diño, sinimulan na rin nila ang kampanya laban sa mga abusado, mapagmalabis at mga adik o drug lord na barangay officials.
Kung ibabatay aniya sa listahan ng Pangulong Rodrigo Duterte, nasa siyam na libong (9,000) barangay officials ang sangkot sa illegal drugs.
“Pati verification niyan ay iaayos namin kasi kung mabigyan lang ako ng kapangyarihan ni Secretary Año o si Secretary Año mismo ay sususpendihin na namin itong mga kapitan na ito at tsaka kagawad, dapat suspendido agad ‘yan, oras na nakakita kami ng probable cause at meron talagang ebidensya ay dapat hindi na patagalin sa puwesto ang mga ‘yan.” Pahayag ni Diño
(Ratsada Balita Interview)