Handang-handa na si two-division world champion Brian Viloria sa kanilang rematch ni Mexican fighter Omar “Lobito” Soto sa Florentine Gardens sa Hollywood, California sa Linggo, Hulyo 26.
Ayon kay Viloria, maganda ang kondisyon ng kanyang katawan ngayon at wala siyang problema sa timbang.
Naniniwala ang dating light flyweight at flyweight world champion na hindi siya mahihirapan sa kanilang laban ni Soto.
Ang resulta ng labang ito ang magde-determina kung handa na si Viloria sa isang rematch kay Juan Francisco Estrada na umagaw ng kanyang WBO at WBA titles sa Macau noong Abril 6, 2013.
By Jelbert Perdez