Plano pang sumabak sa huling laban si dating Filipino boxing champion Brian Viloria bago ito tuluyang magretiro.
Ayon sa tinaguriuang ‘The Hawaiian Punch’, nais niyang makalaban si Zou Shiming ng China o kahit ang kapwa Pinoy boxer na si Donnie ‘Ahas’ Nietes.
Matatandaang Oktubre ng nakaraang taon nang huling lumaban si Viloria kung saan ay pinatumba ito ni Roman Chocolatito Gonzales ng Mexico.
Kasalukuyang may fight record si Viloria na 36 wins, 5 losses at 22 knockouts.
By Ralph Obina