Nakatakdang sumabak muli sa world title fight si WBO-WBA flyweight champion Brian Viloria.
Magugunitang pinabagsak ni Viloria via technical knockout ang Puerto-Rican American boxer na si Miguel Cartageña sa 5th round ng kanilang undercard flyweight bout noong Sabado.
Ayon kay Gary Gittelsohn, manager ng tinaguriang “The Hawaiian Punch, sa susunod na taon ay muling sasampa sa ring si Brian sa flyweight division.
Bagaman hindi pa aniya nila matiyak kung sino ang susunod na kalaban ng Fil-Am boxer, ang malinaw ay mananatili sa 112 pounds o flyweight division si Viloria kung saan siya mas komportable.
Aminado naman si Gittelsohn na kahit 36-anyos na si Viloria at tila nawawala na ang punching power, naniniwala siyang may ibubuga pa sa ibabaw ng lona ang boksingero.
—-