Wagi si Brian Viloria laban sa Amerikanong si Miguel Cartagena via Technical Knockout sa round 5 lamang ng laban kanina sa Carson, California.
Nasa kalagitnaan pa lang ng 5th round, hininto na agad ng referee ang laban matapos paulanan ni Viloria ng suntok si Cartagena.
Dahil dito umangat sa 38-5 ang record ng two time world champion na si Viloria na may 23 KO’s.
Nitong Marso, wagi rin si Viloria laban kay Ruben Montoya via unanimous decision sa ika walong round.
ito ang ikalawang laban ni Viloria sa kanyang muling pagbabalik sa boksing matapos magpahinga ng isang taon kasunod ng paghiwalay nito sa dati niyang promoter na top rank.