Hindi pa man pormal na inaanunsyo ang petsa ng kasalang Kaye Abad at Paul Jake Castillo ay tila ipinahiwatig na nalalapit na ang big day ng dalawa.
Nitong Sabado lang ay isinagawa ang isang bridal shower para kay Abad kasama ang kanyang malalapit na kaibigan.
Blooming at very much happy ang soon to be bride na makikita sa mga larawang ipinost sa Instagram account nito.
Ilan sa mga celebrity friends ni Abad na dumalo sa event ay sina Kitkat, Camille Prats, Diana Zubiri, Nikka Garcia at Isay Sena.
Una nang sinabi ni Abad na magiging pribado ang kanilang wedding.
“Ang request ng family na private ang wedding pero magpo-provide naman ng videos ng wedding para mas solemn at intimate sana,” Pahayag ng aktres.
Matatandaang na-engaged sina Abad at Castillo nitong Mayo na naging malapit na mag-kaibigan bago inamin ang kanilang relasyon noong April 2014.