Ilalarga na ng Department of Education o DEpEd ang Brigada Eskwela sa buong bansa bukas.
Ayon kay Education Assistant Secretary TONICITO Umali, pangungunahan ni Secretary Leonor Briones ang paglilinis ng isang paaralan sa General Santos City.
Kaugnay nito, umapela si Umali sa mga magulang, propesyunal, kabaataan at iba pang miyembro ng lipunan na makiisa sa gagawing paghahanda ng mga silid-aralan para sa pasukan.
Samantala, nangangailangan ang DepEd ng mahigit 75,000 bagong guro ngayong taon.
Ayon kay Education Undersecretary Jesus Mateo, naglaan na ang DepEd ng 15 billion pesos na pondo para sa mga bagong guro.
Kailangan aniya ng karagdagang mga teacher dahil target ng kagawaran na mapababa ang bilang ng mga estudyante sa bawat klase.
Aminado si Mateo na bagaman wala namang kakulangan sa mga guro, nais nilang mapagbuti ang learning environment at kalidad ng edukasyon.
—-