Pinangungunahan ni Education Secretary Leoner Briones ang pag-arangkada ng Brigada Eskuwela sa Marawi City ngayong araw.
Kasabay na rin ito ng paggunita sa unang anibersaryo ng Marawi siege.
Ayon kay Education Undersecretary Tonicito Umali, kanilang personal na pupuntahan at susuriin ang mga eskwelahang naapektuhan ng kaguluhan noon sa lungsod.
Dagdag ni Umali, kanilang partikular na titignan ang mga paaralan sa loob ng Marawi City na maaari pa ring magamit para sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 4.
Magugunitang, nagsagawa na rin ng Brigada Eskuwela ang DepEd sa Marawi City noong nakaraang Disyembre pero ito ang unang pagkakataon na mapapasok ni Briones ang ground zero o ang pinamatinding naapektuhan ng bakbakan sa lungsod.
—-