Lalarga na simula Martes, Agosto 3 ang brigada eskwela ng Department of Education para sa school year 2021-2022.
Ayon sa DepEd, ang magiging tema ng brigada eskwela ngayong taon ay bayanihan para sa paaralan.
Layunin nitong pagtibayin ang pagbabayanihan ng DepEd at stakeholders para sa patuloy na paghahatid ng dekalidad na edukasyon sa kabila ng pandemya.
Inimbitahan naman ng kagawaran ang mga mamamayan na lumahok “online” sa national kick-off ceremony ng Brigada Eskwela sa Martes sa Tagum City sa pangunguna ni DepEd Secretary Leonor Briones.
Magtatagal ang brigada eskwela hanggang sa Setyembre 30. — sa panulat ni Drew Nacino.