Kasado na ang Brigada Eskwela ng Department of Education bukas, Mayo 15.
Ilalarga ang kick off ceremony ng Brigada Eskwela sa Cebu City na may temang “Isang Deped, isang Pamayanan, isang Bayanihan para sa handa at ligtas na paaralan”.
Layon ng brigada eskwela na maihanda ang mga paaralan para sa pasukan sa Hunyo.
Kaugnay nito, patuloy na nananawagan ang Deped sa mga magulang, estudyante, mga guro at iba pa na makiisa sa taunang Brigada Eskwela.
By: Meann Tanbio / Ralph Obina