Naging matagumpay ang pagsisimula ng Brigada Eskwela sa mga pampublikong paaralan sa Maynila.
Ayon kay Manila Division School Superintedent at Local School Board Deputy Chairman Director Wilfredo Cabral, maraming nakilahok at tumulong sa paglilinis at pagsasa-ayos ng mga paaralan.
Naglaan din aniya ang lokal na pamahalaan ng isang (1) bilyong pisong pondo para sa pagtatayo ng mga bagong gusali ng mga paaralan, subalit nagkaka problema lang aniya, dahil sa kawalan ng lupang pagtatayuan.
Inaasahang aabot sa dalawang daang libong (200,000) estudyante ang papasok sa mga pampublikong paaralan sa lungsod, pagdating ng Hunyo 5.
By Katrina Valle | With Report from Aya Yupangco