Mali ang ginawang desisyon ng Commission on Elections na palawigin ang deadline sa filing ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).
Sinabi ni dating Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. na dapat panagutin ng COMELEC ang late filers sa paghahain ng SOCE o Statement of Contributions and Expenditures.
Idinagdag pa ni Brillantes na tila pinatawad na ng COMELEC ang administrative penalty para sa late filing taliwas sa nakasaad sa Republic Act 7166 nang mag desisyon ang komisyon na i-extend ang deadline ng SOCE filing.
Sinabi ni Brillantes na malinaw sa batas na may deadline at uubra ang late filers subalit may penalty lamang.
Ayon pa kay Brillantes, pinagbigyan lamang ng COMELEC ang liberal party at ang standard bearer nito na si Mar Roxas kaya nito pinalawig ang deadline sa filing ng SOCE.
By: Mariboy Ysibido