Pinaiiwas ng Malacañang sa paggawa ng anumang ispekulasyon si dating Commission on Elections (COMELEC) Chairman Sixto Brillantes.
Kasunod ito ng naging pagbabanta ni Brillantes na posibleng magkagulo sa darating na halalan sa Mayo kung hindi mareresolbahan agad ang disqualification case laban sa dalawang kandidato sa pagka-Pangulo.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, naniniwala siyang batid ng Korte Suprema ang pinaka-mainam na solusyon pati na rin sa inaasahan ng publiko lalo’t higit ang mga botante.
Sa panahon na ito ani Lacierda, walang buting naidudulot at hindi nakatutulong sa pagpapabuti ng bansa ang pagpapakalat ng mga ispekulasyon na wala namang ligal at matibay na batayan.
By Jaymark Dagala