Nakikipagtulungan ang Britain sa Japan at kasalukuyan nitong partner na bansang Italy para sa susunod na henerasyon ng Fighter Jet program.
Ayon sa ulat, malapit nang matapos ang agreement sa pagitan ng Britain at Japan para pagsamahin ang kaniyang next-generation tempest at F-X fighter jet programs.
Inaasahang matatapos ang programa bago matapos ang taong 2022.
Una rito, sinabi noon ni British Prime Minister Boris Johnson na pinagtutuunang pansin ng Britain ang aviation at technology na magagamit na sa 2035.