Plano ng Britanya na magpadala ng warship sa South China Sea sa susunod na taon para sa isang freedom of navigation exercises.
Binigyang diin ni Defence Minister Michael Fallon na nais niyang palakasin ang presensya ng British troops sa nasabing lugar kung saan una na nilang ipinadala ang apat na British fighter planes para sa joint exercises sa Japan noong isang taon.
Sinabi ni Fallon na hindi pa nila naisasapinal ang eksaktong deployment ng warship at hindi aniya sila madidiktahan ng China sa kanilang magiging hakbang.
Iginiit ni Fallon ang aniya’y right of freedom of navigation ng Great Britain.
- Judith Estarada – Larino