Nag-alok na ng tulong ang Britain habang patuloy ang airstrike na isinasagawa ng France sa Syria.
Naghahanda na rin si France President Francois Hollande para hilingin sa iba pang world leaders na tumulong para labanan ang militant group.
Una rito, sinabi ni British Prime Minister David Cameron na handa silang magbigay ng air-to-air refueling services at naniniwala itong kailangan na rin ng Britanya na magsagawa ng military airstrikes kasama ang France.
Nag-umpisa ang pambobomba ng France sa Syria noong nakaraang linggo kasunod ng pag-atake ng mga rebeldeng grupo sa iba’t ibang lugar sa France na ikinamatay ng 130 katao.
By Mariboy Ysibido