Plano ng Britanya na magpadala ng warship sa South China Sea sa susunod na taon para sa isang freedom of navigation exercises.
Binigyang diin ni Defense Minister Michael Dallon na nais niyang palakasin ang presensya ng British troops sa nasabing lugar kung saan una na nilang ipinadala ang apat (4) na British fighter planes para sa joint exercises sa Japan noong isang taon.
Sinabi ni Fallon na hindi pa nila naisasapinal ang eksaktong deployment ng warship at hindi aniya sila madidiktahan ng China sa kanilang magiging hakbang.
Iginiit ni Fallon ang aniya’y right of freedom of navigation ng Great Britain.
By Judith Larino
Britanya nakatakdang magpadala ng warship sa South China Sea was last modified: July 28th, 2017 by DWIZ 882