Inilabas na ng Islamic State ang isang video na nagpapakita ng mga larawan at pahayag ng 9 kataong bahagi ng Paris attack na ikinasawi ng may 130 noong Nobyembre ng nakaraang taon.
Ang naturang video ay in-upload sa Official Telegram Channel ng Islamic State.
Nakapaloob din sa video ang bantang pag-atake ng ISIS sa Britanya.
Iginiit ng ISIS na sinumang pumapanig sa kanilang mga kalaban ay sila ring magiging target ng mga susunod pang pag-atake.
Matatandaang sa kasagsagan ng Paris attack, nagpaabot ng pakikisimpatya si British Prime Minister David Cameroon sa mga pamilya ng mga nasawing Pranses.
Wala pang komento sa banta ng pag-atake ang punong ministro ng Britanya.
By Ralph Obina