Nanawagan ang Britanya sa malayang paglalayag at malayang biyahe sa himpapawid sa bahagi ng South China Sea.
Sa kanyang pagsasalita sa Beijing China, sinabi ni British Foreign Secretary Philip Hammond na mayroong malaking interes ang Britanya sa katatagan at kapayapaan sa South China Sea o kilala sa Pilipinas bilang West Philippine Sea.
Binigyang diin ni Hammond na nais nilang makita na nireresolba ang sigalot ng mga nag-aagawang bansa sa South China Sea nang naaayon sa international law at hindi sa pamamagitan ng kapangyarihan.
Gayunman, nilinaw ni Hammond na walang posisyon ang Britanya sa agawan ng teritoryo ng China, Pilipinas, Vietnam, Malaysia , Taiwan at Brunei sa South China Sea.
By Len Aguirre