Napanatili ni British boxer Tyson Fury ang pagiging World Boxing Council (WBC) Heavyweight Champion matapos pabagsakin si Dillian Whyte.
Sa laban nagpakita ng kaniyang masterclass performance si Fury sa binitawang uppercut na siyang nagpabagsak sa sixth round kay Whyte.
Nagawa namang tumayo ni Whyte pero naghudyat na ang referee na itigil ang bakbakan.
Dahil sa panalo ay lalo pang umangat ang rekord ni Fury.