Laya na ang isang British-Iranian national na inakusahang sangkot sa tangkang pagpapabagsak sa pamahalaan ng Iran.
Ayon sa ulat, nakumpleto na ni Nazanin Zaghari-Ratcliffe ang kanyang limang taong sentensiya para sa kasong sedisyon kung saan tinanggal na rin ang kanyang electronic tag.
Gayunman, muli umano itong nakatanggap ng summon mula sa korte para naman sa panibagong kaso na isinampa laban sa kanya.
Dahil dito, hindi pa rin malinaw ngayon kung maaari na itong umuwi ng London.
Si Zaghari-Ratcliffe ay inaresto noong 2016 matapos akusahan ng pang-eespiya sa Iran nang magtungo ito roon kasama ang kanyang anak na babae.