Isang British national ang hinatulang guilty ng korte sa United Kingdom sa kasong preparing for acts of terrorism makaraang matuklasan ang plano nitong pagsapi sa Abu Sayyaf Group (ASG) ng Pilipinas.
Nagplano di umano si Ryan Counsell, isang British supermarket worker na bumiyahe ng Pilipinas noong July 13, 2016 subalit naharang ito ng awtoridad.
Nakuhanan si Counsell ng mga bomb making manual at natuklasan ang pagbili niya ng iba’t ibang military equipment na gagamitin di umano nito bilang suporta sa ASG.
Ayon sa Wollwich Crown Court ng Southeast London, gumastos si Counsell ng halos 900 pounds para sa heavy duty military style boots, combat trousers, camouflage clothing, kee at elbow pads, monocular scope, rifle magazine pouches at iba pa.
Hindi kinagat ng korte ang katwiran ni Counsell na magtutungo siya sa Zamboanga para sa isang charitable relief work.
Ang ASG ay kabilang sa mga listahan ng banned terrorist group sa Britain.
By Len Aguirre