Arestado ang isang british national na sinasabing leader ng isang sindikato sa Makati City.
Ayon sa Makati City Police, nahuli ang dayuahan kasama ang kanyang asawa, sa isang bar sa Kalayaan Avenue Sa Barangay Poblacion matapos silang makatanggap ng reklamo mula sa isang lalaki na umano’y sinaktan ng suspek at tinakot pa gamit ang isang baril.
Narekober sa mag-asawa nasa walong gramo ng cocaine, anim na sachet ng shabu at isang 9 mm pistol na may kargang 11 live ammunition.
Nabatid na wanted ng interpol ang lalaking lider umano ng dm wall criminal group na sangkot sa gun running, kidnapping, extortion at drug trafficking ng nag-ooperate sa mga lungsod sa Southern Metro Manila.
Samantala, mahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa gun ban, comprehensive dangerous drugs act, disobedience to a person in authority at slander oral defamation. – sa panulat ni Mara Valle