Bumoto ang parliyamento ng Britanya pabor sa paglulunsad ng pag-atake laban sa Islamic State sa Syria.
Ito ay bilang pagtugon sa panawagan ni British Prime Minister David Cameron na kailangan nang tumulong ang Britanya para malipol ang IS militants na banta rin aniya sa kanilang seguridad.
Matapos ang 10 oras na mainitang debate, nanaig ang mga pabor sa paglulunsad ng pag-atake kontra IS sa botong 397 to 223.
Ayon kay Foreign Minister Philip Hammond, mas ligtas ngayong gabi ang Britanya dahil sa naging desisyon ng House of Commons na umaksyon laban sa IS.
Samantala, ikinatuwa naman ni US President Barack Obama ang desisyon ng British parliament.
Sinabi ni Obama na nagagalak silang makita sa mga susunod na araw ang British Forces na lumilipad kasama ang kanilang koalisyon sa Syria.
By Ralph Obina