Naghahanda na ang United Kingdom sa inaasahang mas malalaking pag-atakeng posibleng isakatuparan ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS.
Ayon kay British Police Counter Terror Chief Mark Rowley, sawa na ang ISIS sa mga propaganda at nais nitong ipakita nang husto ang kanilang lakas at kakayahan sa pamamagitan ng mas malakihang pag-atake gaya nang nangyari sa Paris noong Nobyembre kung saan daan-daan ang nasawi.
Kinumpirma ni Rowley na puspusan ang pagsasanay ng ISIS sa mga Jihadist na ipapadala ng mga ito sa Europa para maghasik ng karahasan.
Dahil dito, naniniwala si Rowley na dapat ngayon pa lang ay handa na ang Britanya para sa anumang masamang binabalak ng ISIS.
By Ralph Obina
Photo Credit: Olivia Harris/Reuters