Pormal nang tinanggap ni British Prime Minister Boris Johnson ang alok ng European Union (EU) na pagpapalawig sa brexit.
Mula sa orihinal nitong petsa sa katapusan ng Oktubre ay sa Enero 31 ng susunod na taon ang brexit.
Ito ay para bigyang daan ang gaganaping general elections sa United Kingdom sa Disyembre 12.
Tinawag ni EU Council President Donald Tusk ang hakbang na “flextension”
Sa ilalim nito ay pwedeng umalis ang UK sa EU anumang oras bago pa man ang naturang deadline at kapag mayroon nang kasunduan na aprubado ng parliament.
Matatandaang napagdesisyunan ang pagpapalawaig ng brexit matapos hindi sumang ayon ang parliament sa brexit deal.