Kinundena ng China ang pagtawid ng isang British warship sa Taiwan strait.
Patungong Vietnam ang H.M.S. Richmond nang mapadaan ito sa karagatan ng Taiwan matapos ang deployment sa East China sea bilang bahagi ng enforcement operations ng United Nations laban sa North Korea.
Ayon sa People’s Liberation Army, ang pagdaan ng nabanggit na barkong pandigma ay indikasyon ng masamang intensyon ng Britanya sa teritoryo ng China.
Agad namang nagdeploy ng air at naval assets ang China upang buntutan at balaan ang British warship.
Simula pa noong isang taon ay lumamig na ang relasyon ng Tsina at Britanya dahil sa iba’t ibang issue gaya ng pagpapasaklolo ng Hongkong sa U.K. —sa panulat ni Drew Nacino