Hindi dapat maparusahan ang mga broadcast companies at matigil ang kanilang operasyon dahil lamang sa kawalan ng pag-aksyon ng Kongreso para sa kanilang hinihinging franchise renewal.
Ito ang inihayag ni Justice secretary Menardo Guevarra matapos na ihain sa Korte Suprema ang isang petisyon na kumukwestiyon sa ligalidad ng sulat ng House franchise committee sa National Telecommunications Commision (NTC).
Kaugnay ito ng kahilingang magpalabas ng provisional authority para sa patuloy na pag-operate ng ABS-CBN habang dinidinig ang franchise renewal bill nito.
Ayon kay guevarra, hindi hinihingi ng ABS-CBN ang kanilang original franchise kundi renewal lamang para sa kanilang prangkisa na una nang ibinigay ng Kongreso.
Magugunitang nagpalabas ng guidance si Guevarra kaugnay sa pagbibigay ng provisional authority ng Kongreso sa NTC para payagang makapag-operate ang mga broadcast companies habang dinidinig ang franchise renewal ng mga ito.