Namayagpag naman sa top spot ng senatorial survey ng Social Weather Stations para sa May 9, 2022 elections si Broadcaster Raffy Tulfo.
Humakot si Tulfo ng 60% na sinundan ni dating Senador Francis “Chiz” Escudero, 51%; Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano, 50%; Antique Rep. Loren legarda, 45%;
Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, 44%; dating vice president Jojo Binay, 40%; dating DPWH Secretary Mark Villar, 40% at Senator Risa Hontiveros, 36%.
Pasok naman sa 9th spot si dating Senador Jinggoy Estrada, 33%; aktor na si Robin Padilla, 29%;
Veteran broadcaster Noli De Castro, 28% sa kabila ng pag-atras sa senatorial bid noong Oktubre at Senator Joel Villanueva, 27%. —sa panulat ni Drew Nacino