Tiklo ang isang radio broadcaster dahil sa kasong cyber libel sa Cebu City.
Inaresto si Arnold Bustamante para sa umano’y paglabag sa ra 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.
Ayon sa mga otoridad, nagsampa ng kaso ang isang business establishment matapos umanong tatakan ni Bustamante ang mga produkto nito bilang peke at delikado para sa publiko.
Sinabi rin ni Brigadier General Joel Doria na Hepe ng Anti-Cybercrime Group na dinakip si Bustamante sa warrant of arrest na inilabas ni Judge Ramon Daomilas Jr. ng Cebu City Regional Trial Court.
Samantala, inirekomenda naman ang 10,000 pesos piyansa para sa temporary liberty ni Bustamante. – sa panulat ni Hannah Oledan