Hindi na makapaglalaro ngayong 2017-2018 NBA regular season si Brooklyn Nets Guard Jeremy Lin.
Ito’y makaraang magtamo ng injury sa kanang tuhod si Lin sa kanilang laban sa Indiana Pacers kung saan natalo ang Nets sa score na 140-131.
Ayon kay Nets General Manager Sean Marks, bagaman hindi makapaglalaro sa buong season si Lin, suportado pa rin siya ng buong organisasyon hanggang sa tuluyan siyang maka-recover.
Mahalaga anya ang papel ni Lin bilang itinuturing na team captain ng Brooklyn.
Umaasa naman ang buong koponan na magiging mabilis ang recovery ni Lin sa panibagong injury.