Pormal nang itinalaga bilang general manager ng Brooklyn Nets si Sean Marks.
Kinuha ng Nets si Marks bilang general manager ilang oras bago magwakas ang itinakdang trade deadline ngayong araw.
Si Marks ay 5 taong naging bahagi ng San Antonio Spurs kung saan ito ang tumayong assistant general manager ng koponan sa huling 2 taon nito.
Naging assistant coach din si Marks ng Spurs ng manalo ang San Antonio ng 2014 NBA title.
Pinalitan ni Marks bilang GM si Billy King.
By Ralph Obina